MENU

                                                                                                 emb logo

PAALALA SA ATING MGA KABABAYAN AT MGA PASAHERO

NA PAPUNTA O PABALIK NG PILIPINAS

Alinsunod sa paglulunsad ng Electronic Travel Declaration (eTravel) ng gobyerno ng Pilipinas, lahat ng papadating na pasahero (Filipino at Foreign nationals) na magtutungo o pabalik ng Pilipinas ay kinakailangang magsumite o magrehistro ng kanilang Electronic Travel Declaration sa pamamagitan ng etravel.gov.ph website nang hindi bababa sa tatlong (3) araw bago sila dumating sa Pilipinas.

Ang eTravel Platform, na pumalit sa One Health Pass, ay isang online na Health Declaration at Contact Tracing platform na naglalayong pabilisin o i-streamline ang pagdating ng mga pasahero sa mga paliparan (airport) ng Pilipinas at pagkolekta ng impormasyon o datos. Nasa ibaba ang mga sumusunod na gabay para sa pagpaparehistro ng eTravel:

  1. Bisitahin ang etravel.gov.ph;
  2. Punan ang iyong impormasyon (profile), mga detalye ng paglalakbay, at health declaration;
  3. Mag-download o kumuha ng screenshot ng iyong QR code na makukuha sa website ng eTravel pagkatapos punan ang mga detalye. Kinakailangang ipakita ang iyong QR code sa airline representative at sa mga opisyal ng Bureau of Quarantine (BOQ) pagdating sa Pilipinas.

Ang pagpaparehistro sa eTravel ay LIBRE at hindi nangongolekta o nangangailangan ng bayad. Para sa karagdagang impormasyon, ang website ng eTravel ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng link na eto: https://etravel.gov.ph/frequently-asked-questions.